Pagkakaloob ng Tsina ng bakuna kontra COVID-19 sa buong mundo, nagpapakita ng pananagutang pandaigdig—Pilipino iskolar

2021-10-20 16:10:09  CMG
Share with:

Sa kanyang eksklusibong panayam sa Xinhua News Agency ng Tsina kamakailan, sinabi ni Herman Tiu Laurel, Tagapagtatag ng Philippine-BRICS Strategic Studies, na ang tuluy-tuloy na pagkakaloob ng Tsina ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, lalung-lalo na, sa mga umuunlad na bansa, ay nagtatanggol sa kalusugan at seguridad ng sangkatauhan, at nagpapakita ng pananagutang pandaigdig ng Tsina.
 

Ang Tsina ay unang bansang nagkaloob ng bakuna sa Pilipinas. Kaugnay nito, sinabi ni Laurel na ang suplay ng Tsina ay nagbigay ng suporta sa paglaban ng Pilipinas sa pandemiya. Nalaman ng parami nang paraming Pilipino na ang Tsina ay mapagkakatiwalaang kaibigan at kapatid.
 

Dagdag niya, kahanga-hanga ang pagpapatupad ng Tsina ng “vaccine humanitarianism,” pagkakaloob sa abot ng makakaya ng mga bakuna sa daigdig, lalung-lalo na, sa mga umuunlad na bansa, at pagpapasulong sa patas na distribusyon at pagkakaroon ng bakuna.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method