Tsina at Pilipinas, palalakasin ang kooperasyon laban sa mga transnasyonal na krimen

2021-09-28 16:13:06  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ngayong araw, Setyembre 28, 2021, ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, sinang-ayunan ng dalawang bansa, na palakasin ang kooperasyon laban sa mga transnasyonal na krimeng kinabibilangan ng cross-border gambling, kidnapping, at telecommunications fraud.

 

Sinabi ng tagapagsalita ng naturang embahada, na isang may kinalamang kasunduan ang narating kamakailan sa video conference sa pagitan ng Ministry of Public Security ng Tsina at Philippine National Police (PNP).

 

Sinang-ayunan din ng dalawang panig, na ibayong pang pasulungin ang kooperasyong teknikal sa drug control, counter-terrorism, at pagpapalakas ng kakayahan ng ahensyang tagapagpatupad ng batas, dagdag ng tagapagsalita.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method