AUKUS, sumisira sa pagsisikap ng ASEAN sa pagtatatag ng NWFZ

2021-10-20 10:13:50  CMG
Share with:

Ipinahayag ng Tsina na ang trilateral security partnership ng Australia-United Kingdom-United States (AUKUS ) at ang kanilang kooperasyon sa submarinong nuklear ay lumilikha ng panganib ng pagdami ng mga sandatang nuklear at sumisira rin sa South Pacific Nuclear Free Zone Treaty at pagsisikap ng mga bansang ASEAN para sa pagtatatag ng Nuclear-Weapon-Free Zone (NWFZ) sa Timog-silangang Asya.

 

Ito ang inilahad ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Martes, Oktubre 19, 2021 bilang reaksyon sa katulad na pagkabahala ng Malaysia at Indonesia sa AUKUS.

 

AUKUS, sumisira sa pagsisikap ng ASEAN sa pagtatatag ng NWFZ_fororder_W020211019660261739542

 

Sa magkasanib na preskon pagkaraan ng kanilang pag-uusap nitong Lunes, Oktubre 18, kapuwa ipinahayag nina Ministrong Panlabas Saifuddin Abdullah ng Malaysia at Ministrong Palabas Retno Marsudi ng Indonesia ang malalim na pagkabahala sa pagdedebelop ng Australia ng mga submarinong nuklear sa ilalim ng AUKUS partnership.

 

Diin ni Wang, laging nananalig ang Tsina na ang arkitektura ng panrehiyon na kooperasyon, kung saan nasa sentro ang ASEAN, ay angkop sa tradisyon at realistikong pangangailangan ng Silangang Asya. Pinapasulong nito ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at kailangang pahalagahan at tupdin ng lahat ng mga panig. Dapat buong-tatag na subaybayan at tutulan ang anumang tangkang pahinain at pawalang-halaga ang sentralidad ng ASEAN, dagdag pa ng tagapagsalitang Tsino.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method