Xi Jinping, bumati sa panunungkulan ni Cindy Kiro bilang bagong Gobernador-Heneral ng New Zealand

2021-10-21 16:38:02  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala ngayong araw, Oktubre 21, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Cindy Kiro, kaugnay ng kanyang panunungkulan bilang bagong Gobernador-Heneral ng New Zealand.
 

Tinukoy ni Xi na ang Tsina at New Zealand ay mahalagang kooperatibong mag-partner.
 

Aniya, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, 49 na taon na ang nakakalipas,  umusbong ang pangmalayuang pag-unlad sa nasabing  relasyon, bagay na nakapaghatid ng aktuwal na kapakinabangan sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
 

Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-New Zealand, at nakahanda  siyang magsikap, kasama ni Kiro, para mapasulong ang walang humpay na pagtatamo ng bagong bunga ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, at ihatid ang benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method