Mula noong Oktubre 17 hanggang 23, 2021, isinagawa ng mga hukbong pandagat ng Tsina at Rusya sa karagatan ng Kanlurang Pasipiko ang kauna-unahang magkasanib na pamamatrolyang pandagat.
Sa panahon ng nasabing pamamatrolya, mahigpit na natupad ng dalawang hukbo ang kaukulang tadhana ng pandaigdigang batas, at hindi sila pumasok sa teritoryong pandagat ng ibang bansa.
Layon ng pamamatrolyang ito na ibayo pang paunlarin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Rusya sa bagong siglo, pataasin ang kakayahan ng magkasanib na aksyon ng dalawang panig, at magkasamang pangalagaan ang estratehikong katatagan sa rehiyon at buong daigdig. Hindi ito nakakatuon sa ikatlong panig.
Salin: Lito
Pulido: Rhio