Selebrasyon sa UN Day at ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Tsina sa UN, idinaos

2021-10-24 13:30:05  CMG
Share with:

Idinaos sa Beijing nitong Sabado, Oktubre 22, 2021 ng organo ng United Nations (UN) ang selebrasyon sa UN Day at ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN.

Sa selebrasyon, magkakahiwalay na bumigkas ng talumpati ang ilang  dayuhang embahador, kinatawan ng organo ng UN sa Tsina, at mga iskolar.

Pinapurihan nila ang Tsina sa pagsasabalikat ng reponsibilidad bilang malaking bansa, paggigiit ng multilateralismo, at pagpapatupad ng ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

Ipinaabot din nila ang magandang pag-asang magsisikap kasama ng Tsina para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at kaligtasang pandaigdig, at mapasulong ang pandaigdigang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, lipunan, at kultura.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method