Kaugnay ng pagdaraos kahapon Oktubre 24, 2021 ng Ika-13 World Health Summit sa Berlin, Alemanya, kinondena ni António Guterres, Secretary-General ng United Nations (UN) ang “vaccine nationality” at labis na pag-iimbak ng bakuna ng ilang maunlad na bansa.
Ipinanawagan niya ang makatarungang pamamahagi ng mga bakuna.
Ipinahayag naman ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Director-General ng World Health Organization na ang unang kondisyon para makontrol ang COVID-19 ay pagigiit ng katarungan at unipikasyon ng iba’tibang pamahalaan at vaccine manufacturer, at ipagkaloob ang mas maraming bakuna sa mga bansang nangangailangan.
Salin: Sissi
Pulido: Rhio