40% populasyon sa daigdig, planong bakunahan kontra COVID-19 ng WHO bago magtapos ang 2021

2021-10-08 15:45:06  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Huwebes, Oktubre 7, 2021 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), ang pagsisimula ng estratehiya ng pagsasakatuparan ng pagbabakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo sa kalagitnaan ng 2022.
 

Ayon sa nasabing estratehiya, hanggang katapusan ng taong ito, inaasahang 40% ng populasyon ng daigdig ang babakunahan laban sa COVID-19. Samantala, sa kalagitnaan ng susunod na taon, 70% ng populasyon ang tuturukan ng bakuna.
 

Saad ni Tedros, di-kukulangin sa 11 bilyong dosis ng bakuna ang kakailangangin para maisakatuparan ang nasabing mga target. Pero ang problema ay isyu ng distribusyon ng bakuna, sa halip ng suplay.
 

Sa pamamagitan ng video link, nagtalumpati nang araw ring iyon si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN).
 

Aniya, sa kasalukuyan, halos 1.5 bilyong dosis ang kabuuang bolyum ng pagpoprodyus ng bakuna kontra COVID-19 bawat buwan, kaya may kakayahang ipagkaloob ang mga bakuna sa 40% ng populasyon ng lahat ng mga bansa sa katapusan ng taong ito.
 

Imoral at katangahan ang di-patas na distribusyon ng bakuna, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method