Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Binuksan dito kahapon, Oktubre 25, 2021 kapuwa sa online at offline platforms ang porum sa mataas na antas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa berde’t sustenableng pag-unlad at porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa kooperasyon sa kapaligiran.
Inilahad sa porum ang pinakahuling progreso ng konstruksyong ng sibilisasyong ekolohikal at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng Tsina.
Ipinagdiinan sa pulong ang kahandaang pag-ukulan ng pokus, kasama ng mga bansang ASEAN ang mga larangang may priyoridad, mainam na ipatupad ang Framework of ASEAN-China Environmental Cooperation Strategy and Action Plan 2021-2025, palakasin ang pag-uugnayan sa mga patakaran, magkasamang gawin ang positibong ambag para sa pagpapasulong sa proseso ng pangangasiwa sa kapaligiran ng buong mundo, at ipagkaloob ang bagong lakas-panulak para sa berde’t mababang karbon na pag-unlad ng rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Mac