Sa kanyang eksklusibong panayam kamakailan sa China Media Group (CMG) sa bisperas ng 100-araw na countdown ng Beijing 2022 Olympic Winter Games, tinukoy ni Ban Ki-moon, dating Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) at Tagapangulo ng Ethics Commission ng International Olympic Committee (IOC), na sa ilalim ng pamumuno ng pamahalaang Tsino, napakalaking pagsisikap ang ginawa ng Tsina para sa pagpapasulong sa kapayapaan, harmonya, at pagkakaibigan, sa pamamagitan ng gaganaping Winter Olympics.
Aniya, dumalo siya sa 2008 Beijing Olympic Summer Games, at malaliman ang kaalaman niya sa kakayahan at determinasyon ng Tsina sa pagtataguyod ng Olimpiyada.
Nananalig aniya siyang tiyak na magtatagumpay ang Beijing Winter Olympics.
Salin: Vera
Pulido: Mac