Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig

2021-10-25 10:44:58  CMG
Share with:

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN1600

The United Nations (UN)

Sa Ika-26 na Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) na ginanap noong Oktubre 25, 1971, pinagbotohan ang kahilingang iniharap ng 23 bansang tulad ng Albania at Algeria tungkol sa pagpapanumbalik ng lahat ng lehitimong karapatan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN.

Sa pamamagitan ng nakakaraming boto, pinagtibay ang Resolusyon bilang 2758 kung saan ipinasiyang ibalik ang lehitimong luklukan ng Tsina sa UN.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN8600

Noong Nobyembre 15, 1971 sa New York, Amerika, pormal na dumalo ang delegasyong Tsino sa Ika-26 na Pangkalahatang Asemblea ng UN.

Sina Qiao Guanhua (una mula sa kaliwa sa unang hanay), Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Huang Hua (ikalawa mula sa kaliwa sa unang hanay), Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN.

Dala ang pag-asa ng mga mamamayan ng buong bansa, noong Nobyembre 15, 1971, humarap sa kauna-unahang pagkakataon sa Pangkalahatang Asemblea ng UN ang delegasyong Tsino na pinamunuan nina Qiao Guanhua, puno ng delegasyong Tsino at Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Huang Huawei, pangalawang puno ng delegasyong Tsino, bagay na mainit na tinanggap ng mga kinatawan ng nakakaraming bansa.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN9550

Noong taong 1971, sa New York, Amerika, si Huang Hua, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN.

Sa kanyang talumpati sa asemblea, sa ngalan ng pamahalaang Tsino, ipinaabot ni Qiao ang taos-pusong pasasalamat sa mga mapagkaibigang bansang gumawa ng napakalaking pagsisikap para sa pagpapanumbalik ng Tsina ng lehitimong karapatan sa UN.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN3550

Noong Nobyembre 15, 1971 sa New York, Amerika, pormal na dumalo ang delegasyong Tsino sa Ika-26 na Pangkalahatang Asemblea ng UN.

Komprehensibo rin niyang inilahad ang prinsipyo at posisyon ng pamahalaang Tsino sa isang serye ng mahalagang isyu.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN5600

Noong Nobyembre 15, 1971, sa New York, Amerika, pormal na dumalo ang delegasyong Tsino sa Ika-26 na Pangkalahatang Asemblea ng UN. Sina Qiao Guanhua (una mula sa kaliwa), Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Huang Hua (ikalawa mula sa kaliwa), Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN.

Ang pagpapanumbalik ng Tsina ng lehitimong karapatan sa UN ay bunga ng magkakasamang pagsisikap ng lahat ng bansa sa daigdig na nagmamahal sa kapayapaan at naninindigan sa katarungan. Mayroon itong napakalalim na katuturan.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN4600

Noong Nobyembre 16, 1971, sa New York, Amerika, kinumusta sa ospital nina Qiao Guanhua (sa kaliwa), Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Huang Hua (sa kanan), Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, si U Thant, Pangkalahatang Kalihim ng UN sa panahong iyon.

Noong 1971, sinabi ni U Thant, dating Pangkalahatang Kalihim ng UN sa panahong iyon, na noong dati ay parang isang lumpo ang UN. Makaraang panumbalikin ang luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina na may pinakamalaking populasyon sa daigdig, masasabing tunay na nagsimula ang gawain ng UN, aniya.

Nitong 50 taong nakalipas, aktibong kalahok ang Tsina sa mga usapin sa daigdig. Kasabay ng pagsasakatuparan ng sariling kaunlaran, iginigiit at ipinatupad ng Tsina ang responsibilidad nito bilang isang malaking bansa. Walang patid nitong sinusuportahan ang UN sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig at pagpapasulong ng komong kaunlaran.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN12600

Si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina

Noong Setyembre 27, 2021, sa kanyang talumpati sa video conference hinggil sa papel ng Tsina sa UN, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN.

Aniya, nitong nakalipas na 50 taon, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, ipinatupad ng Tsina ang simulain ng Karta ng UN, iginiit ang pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga umuunlad na bansa, at nagsibling bansang naglilingkod sa kapayapaan ng daigdig, nagbibigay-ambag sa kaunlaran ng mundo, nangangalaga sa kaayusang pandaigdig, at aktibong nagkaloob ng mga produktong pampubliko.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN13600

Nitong 50 taong nakalipas, mula sa di pagtanggap ng UN hanggang sa pagiging miyembro ng halos lahat ng unibersal na intergovernmental na organisasyong pandaigdig at paglilingkod bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council, palagiang iginigiit ng Tsina ang diwa ng UN Charter para mapatingkad ang mahalagang papel sa pagtatanggol ng pagkakapantay-pantay at katarungang pandaigdig.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN7600

Nitong 50 taong nakalipas, mula sa pagpapadala sa unang pagkakataon ng 5 tagamasid na militar sa organisasyon ng UN sa pagsuperbisa sa tigil-putukan hanggang pagiging ikalawang pinakamalaking bansang nagkakaloob ng pondo sa mga aksyong pamayapa ng UN at pinakamalaking bansang nagkakaloob ng mga sundalo sa UNSC, ang Tsina ay nagsisilbing masusing puwersa sa mga aksyong pamayapa ng UN, bagay na nagbibigay ng namumukod na ambag para sa pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasang pandaigdig.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN10600

Nitong 50 taong nakalipas, mula sa bansang may pinakamalaking mahirap na populasyon sa daigdig hanggang sa makasaysayang paglutas sa problema ng ganap na karalitaan, mas maaga ng 10 taong naisakatuparan ng Tsina ang hangarin ng pagbabawas ng karalitaang itinakda sa UN 2030 Sustainable Development Goals. Mahigit 70% ang ibinigay na contribution rate ng Tsina sa pagbabawas ng karalitaan sa buong mundo, bagay na nagiging modelo ng pandaigdigang usaping ito.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN2600

Nitong 50 taong nakalipas, mula sa pinakamalaking bansang tumatanggap ng donasyon sa daigdig hanggang sa pagiging tagapag-ambag sa kaunlarang pandaigdig, sa harap ng mahigit 160 umuunlad na bansa, isinasagawa ng Tsina ang ilang libong proyektong pantulong, mahigit 10 libong proyekto ng kooperasyong panteknolohiya at paggagalugad ng yamang manggagawa, at pagsasanay sa mahigit 400 libong person-time. Bunga ng Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina, 141 bansa at 32 organisasyong pandaigdig ang sumapi sa lumalaking  pamilya ng Belt and Road, bagay na mabisa at malakas na nakakapagpatibay at nakakapagpalawak sa bunga ng komong kaunlarang pandaigdig.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN11600

Nitong 50 taong nakalipas, mula sa kakulangan ng yamang medikal at pangkalusugan hanggang sa pagpapatingkad ng nukleong papel sa pagharap sa pandaigdigang krisis ng pampublikong kalusugan, aktibong isinasagawa ng Tsina ang pakikipagtulungang pandaigdig laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), bagay na malakas na nakakapagpasulong sa pagtatatag ng proteksyon ng global immunization.

Ngayong araw sa kasaysayan: Napanumbalik ang lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina sa UN; Kasiya-siyang sagot, ibinigay ng Tsina sa daigdig_fororder_20211025UN6600

Nitong 50 taong nakalipas, mula sa paggamit ng extensive economy model hanggang sa aktibong pamumuno sa buong mundo sa pagsasaayos ng kapaligiran at klima ng buong daigdig, totohanang ipinatupad ng Tsina ang United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) at Paris Agreement para mapasulong ang maharmoniyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan. Pinapasulong din nito ang pagbubuo ng pandaigdigang kayariang pangkooperasyon sa pagharap sa pagbabago ng klima at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal.

Tulad ng dati, nakahanda ang Tsina, kasama ng iba’t ibang bansa na pasulungin ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Salin: Lito
Pulido: Mac
Photo: VCG

Please select the login method