Xi, nakahandang ibahagi ng Tsina ang mga pagkakataong pangkaunlaran sa panig Pakistani

2021-10-26 16:03:42  CMG
Share with:

Nakipag-usap sa telepono ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Prime Minister Imran Khan ng Pakistan.
 

Sinabi ni Xi na nitong 70 taong nakalipas, bagama’t nagbabago ang kalagayan sa buong mundo, laging pinapanatili ng Tsina at Pakistan ang mahalagang relasyon at sa proseso ng magkasamang pagharap sa mga hamon, pinahigpit ang estratehikong pagtitiwalaan at pinalalim ang kooperasyon. Ani Xi, kinakatigan ng Tsina ang Pakistan sa paghanap nito ng ladas ng kaunlaran na angkop sa situwasyon ng bansa at nakahandang ibahagi ng Tsina ang mga pagkakataong pangkaunlaran sa panig Pakistani.
 

Ipinahayag ni Imran Khan na matibay na kinakatigan ng Pakistan ang Tsina sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahahalagang pagkabahala at nakahanda aniya na mapasulong ang de-kalidad na takbo ng ekonomikong koridor at ibang pragmatikong kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Pakistan.
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Mac

Please select the login method