Pagsisikap ng Pakistan sa imbestigasyon sa teroristikong pag-atake ng Dasu, hinangaan ng Tsina

2021-08-13 12:12:37  CMG
Share with:

Isinapubliko nitong Huwebes, Agosto 12, 2021 ng pamahalaang Pakistani ang pinakahuling kaganapan sa imbestigasyon ng teroristikong pag-atake sa Dasu.
 

Ayon sa imbestigasyon, ang nasabing pag-atake ay binalak sa Afghanistan, at isinagawa ng Swat chapter ng Tehrik-i-Taliban Pakistan (TTP). Ang pag-atake ay tumanggap ng suporta mula sa mga intelligence agencies ng India at Afghanistan.
 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang paghanga sa positibong pagsisikap ng panig Pakistani upang makuha ang mahalagang progreso sa imbestigasyong ito sa loob ng maikling panahon.
 

Aniya, sa kasalukuyan, patuloy ang pag-iimbestiga ng panig Pakistani.
 

Diin niya, sisiyasatin ng kapuwa panig ang lahat ng mga katotohanan, batay sa mga narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at mabigat na pananagutin sa batas ang mga may kagagawan. Samantala, patuloy na i-a-upgrade at palalakasin ng kapuwa panig ang mekanismo ng kooperasyong panseguridad, para maigarantiya ang kaligtasan ng mga proyekto, tauhan, at organo ng Tsina sa Pakistan.
 

Nanawagan din siya sa mga bansa sa rehiyon na magtulungan para masugpo ang lahat ng mga teroristikong organisasyon, at mapangalagaan ang komong seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng iba’t ibang bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method