Limang dekada sa UN: Ambag ng Tsina sa pagkontrol ng pandemiya ng COVID-19

2021-10-26 11:19:26  CMG
Share with:

Ang Oktubre 25, 2021 ay ika-50 anibersarayo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa United Nations (UN).

 

Sa kanyang talumpati sa pulong bilang paggunita sa naturang okasyon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kinakitaan ang nakaraang limampunong taon ng mapayapang pag-unlad ng Tsina at ambag nito sa sangkatauhan.

 

Diin ni Xi, patuloy na mananangan ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, landas ng reporma’t pagbubukas, at landas ng multilateralismo. Nanawagan siya sa iba’t ibang bansa na palaganapin ang mga komong pinahahalagahan ng sangkatauhan, tupdin ang multilateralismo at sama-samang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.

 

Aniya,“Sa panahong nananalasa sa buong mundo ang pandemiya ng COVID-19, aktibong ibinabahagi ng Tsina ang karanasan laban sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at ipinagkakaloob sa mga bansang dayuhan ang mga kagamitan at materyales na medikal, at mga bakuna. Kasabay nito, nakikipagtulungan din ang Tsina sa daigdig hinggil sa pananaliksik sa pinagmulan ng virus. Buong taimtim at walang humpay na nagsisikap ang Tsina para malampasan ng daigdig ang naturang salot. ”

 

Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 3 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine

Dumating sa Pilipinas, Linggo, Oktubre 24, 2021 ang karagdagang tatlong milyong dosis na bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac Biotech Ltd. Kabilang dito, isang milyong dosis ang kaloob ng gobyerno ng Tsina, at ang natitirang dalawang milyon ay binili ng pamahalaang Pilipino.

 

Limang dekada sa UN: Ambag ng Tsina sa pagkontrol ng pandemiya ng COVID-19_fororder_图片1

Noong Mayo 26, 2020, sa Brazzaville, Republika ng Congo, nagpapalitan ang grupong medikal ng Tsina at mga lokal na tauhang medikal sa isang ospital para tulungan ang huli sa pagtatayo ng ward para sa mga kaso ng COVID-19.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Larawan: Xinhua

Please select the login method