Sa kanyang talumpati sa pulong bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa United Nations (UN) kahapon, Oktubre 25, 2021, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na, ito ang limang dekada ng pagsisikap ng Tsina para matupad ang mapayapang pag-unlad habang iginigiit ang kapayapaan, reporma, pagbubukas sa labas at multilaterismo. Nanawagan si Xi sa iba’t ibang bansa na magkooperasyon para maitatag ang isang "community with a shared future for mankind".
Nitong 50 taong nakalipas, unang naisakatuparan ng Tsina ang Millinum Development Goals ng UN, nanguna sa pagsasagawa ng 2030 Agenda for Sustainable Development, mahigit 6 na milyong mamamayang Tsino ang nakahulagpos sa karalitaan, ang bilang na ito ay katumbas ng 70% ng mga taong nakahulagpos sa kahirapan sa buong daigdig.
Alinsunod sa diwa ng Karta ng UN at Universal Declaration of Human Rights (UDHR), naitatag ang sariling modelo ng pangangalaga sa karapatang pantao na angkop sa tradisyonal na kulturang Tsino at aktuwal na kalagayan ng bansa at gumawa ng mahalagang ambag para sa pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao ng daigdig.
Salin: Sissi
Pulido: Mac