Ang Oktubre 25, 2021 ay ika-50 anibersarayo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa United Nations (UN).
Sa kanyang talumpati sa pulong bilang paggunita sa naturang okasyon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kinakitaan ang nakaraang limampunong taon ng mapayapang pag-unlad ng Tsina at ambag nito sa sangkatauhan.
Diin ni Xi, patuloy na mananangan ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, landas ng reporma’t pagbubukas, at landas ng multilateralismo. Nanawagan siya sa iba’t ibang bansa na palaganapin ang mga komong pinahahalagahan ng sangkatauhan, tupdin ang multilateralismo at sama-samang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.
Aniya,“Sa kasalukuyan, nararanasan ng daigdig ang mabilis na pagbabago na di nakikita nitong nagdaang sandaang taon, at walang patid na lumalakas ang mga puwersa ng mapayapang pag-unlad at progreso. Kailangan nating buong-sikap na hikayatin ang kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay, katarungan, demokrasya, at kalayaan na pinahahalagahan ng sangkatauhan, para magsilbi ang mga ito bilang tumpak na pilosopiya sa magkakasamang pagtatatag ng mas magandang mundo.”
Noong Setyembre 15, 2021, lumahok sa palaro ng isang komunidad sa Chengdu, lalawigang Sichuan, Tsina, ang mga residenteng dayuhan at Tsino.
Sa kanyang talumpati, panawagan din ni Xi,“Kailangan tayong magkapit-bisig para itatag ang komunidad ng daigdig na may pinagbabahaginang kinabukasan, kung saan ang daigdig ay nagtatampok sa pangmatagalang kapayapaan, panlahat na kaligtasan, komong kasaganaan, pagbubukas at pagiging inklusibo, kalinisan at kagandahan, ” saad pa ni Xi.
Mula Oktubre 11 hanggang 15, sa Kunming, lalawigang Yunnan, Tsina, idinaos ang bahaging online ng Ika-15 Pulong ng Conference of the Parties to the Convention on Biological Diversity (COP15), kung saan pinagtibay ang Kunming Declaration para magkakasamang pangalagaan ang biodiversity ng daigdig.
“Kailangan nating katigan ang mutuwal na kapakinabangan at komong kaunlaran, at magkasamang pasulungin ang kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan. May katuturan lamang kung ang pag-unlad ay para sa mga mamamayan, at may lakas-patulak lamang para sa kaunlaran kung iaasa sa mga mamamayan ang pag-unlad. ”
Noong Abril 3, 2020, nag-eensayo ng Tai Chi Quan ang mga mamamayan sa isang parke ng Hohhot, Inner Mongolia Autonomous Region, Tsina.
Dagdag pa ni Xi, “Kailangan nating palakasin ang pagtutulungan para magkakasamang tugunan ang mga hamon at pandaigdig na isyung kinakaharap ng sangkatauhan.”
Dumating Agosto 20, 2021 ng Maynila, ang 739,200 dosis ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinopharm ng Tsina. Ito ay bahagi ng karagdagang isang milyong dosis ng libreng bakunang ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas, pagkaraan ng naunang isang milyong bakuna ng Sinovac na inihatid sa Pilipinas noong nagdaang Pebrero 28.
Mungkahi pa ni Xi, “Kailangan nating buong-tatag na pangalagaan ang kapangyarihan at katayuan ng UN, at magkakasamang tupdin ang tunay na multilateralismo. Ang mga pandaigdig na alituntunin ay maaari lamang magkakasamang itakda ng 193 miyembro ng UN, sa halip ng indibidwal na bansa o iilang bansa. Kasabay nito, ang mga pandaigdig na alituntunin ay dapat magkakasamang sundin ng 193 kasapi ng UN, at walang eksepsyon at hindi rin dapat may eksepsyon.”
Sa UN Sustainable Development Summit na ginanap noong Setyembre, 2015, ipinatalastas ng Tsina ang pasinaya ng South-South Cooperation Assistance Fund para tulungan ang mga umuunlad na bansa sa pagtupad sa kani-kanilang agenda sa sustenableng pag-unlad. Batay rito, hanggang katapusan ng 2019, 82 proyekto ang inilunsad ng Tsina, kasama ang 14 na pandaigdig na organisasyon na gaya ng World Food Programme, United Nations Development Programme at World Health Organization. Sumasaklaw ang mga ito sa kaunlarang pang-agrikultura, seguridad ng pagkain o food security, pagpapahupa ng karalitaan, kalusugan ng mga bata at kababaihan, kalusugan, edukasyon at pagsasanay, rehabilitasyon pagkaraan ng kapahamakan.
Salin:Jade
Pulido: Mac