Ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa United Nations (UN).
Nitong nakalipas na 50 taon, aktibong hinanap ng Tsina ang landas ng may-harmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan, at binigyan ng ambag ang pagsasaayos sa kapaligiran ng buong mundo at pagharap sa pagbabago ng klima.
Sapul noong taong 2000, 1/4 ng bagong karagdagang luntiang lupa sa buong mundo ay nanggaling sa Tsina.
Nitong nakalipas na 10 taon, lampas sa 70 milyong ektarya ang saklaw ng bagong itinanim na kagubatan sa Tsina, at nangunguna ito sa buong mundo.
Isang kagubatan na itinanim sa disyerto sa Lalawigang Hebei ng Tsina
Sa loob ng 40 taon, ang bilang ng mga mailap na giant panda sa Tsina ay tumaas sa 1,864 mula 1,114. Ang mga giant panda na inaalagaan ng tao ay matagumpay na ibinalik sa mga kagubatan, at namumuhay ngayon kasama ng ilan pang maiilap na grupo.
Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nagsisilbing bansang may pinakamalaking donasyon sa Convention on Biological Diversity (CBD) at nukleong badyet ng protocol nito, at pinakamalaking umuunlad na bansang nag-abuloy sa Global Environment Fund (GEF).
Mabisang kinakatigan ng Tsina ang pangangalaga sa biodibersidad ng daigdig.
Sa kapipinid na Ika-15 Komperensya ng mga Partido ng Convention on Biological Diversity (CBD) sa Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina, pinasulong ang pagtatakda ng Post 2020 Global Biodiversity Framework, bagay na naglagay ng malinaw na target at landas ng pangangalaga sa biodibersibidad ng daigdig sa hinaharap.
Sa kasalukuyan, ang bilang ng sasakyang de-motor na gumagamit ng bagong enerhiya sa Tsina ay katumbas ng mahigit kalahati ng kabuuang bilang sa buong daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio