Dumalo at nagtalumpati Oktubre 25, 2021, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa pulong bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa United Nations (UN).
Sinabi ni Xi, na nitong 50 taong nakalipas, sa pamamagitan ng sariling pagsisikap, itinatag ng mga mamamayang Tsino ang may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas, at pinawi ang absolutong karalitaan.
Sa kasalukuyan aniya, sinimulan sa Tsina ang pagtatatag ng sosyalistang modernong bansa, at nakita ang magandang prospek ng pag-ahon ng nasyong Tsino.
Editor: Liu Kai