Mula sa pandemiya: integrasyong pangkabuhayan ng Tsina't ASEAN, palalalimin

2021-10-27 11:55:19  CMG
Share with:

Mula sa pandemiya: integrasyong pangkabuhayan ng Tsina't ASEAN, palalalimin_fororder_1310271049_16352863773141n

 

Napagkasunduang palalimin, Huwebes, Oktubre 26, 2021 ng mga lider ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kanilang kooperasyon para tulungan ang rehiyon na umahon mula sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).  

 

Sinang-ayunan din nilang isagawa ang maagang implementasyon ng  Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Agreement.

 

Mababasa ang naturang kasunduan sa Magkasanib na Pahayag na inilabas pagkaraan ng Ika-24 na ASEAN-China Summit na ginanap online nang araw ring iyon.

 

Sa pahayag, ipinangako rin ng Tsina na susuportahan ang ASEAN Comprehensive Recovery Framework at Implementation Plan nito. Ang naturang balangkas at plano ay magsisilbing patnubay para mapalalim ng magkabilang panig ang kanilang kooperasyon sa iba’t-ibang larangang gaya ng kalusugang pampubliko, social security, integrasyong pang-ekonomiya, digital transformation, at sustenableng pag-unlad.

 

Pinapurihan naman ng ASEAN ang Tsina dahil sa aktibong pakikipatulungan nito sa pagtupad sa mga priyoridad sa naturang balangkas na tulad ng pagsasanay ng mga ehekutibo at medikal na propesyonal sa pagtugon sa mga pangkagipitang pangyayaring pangkalusugan, pagkatig sa COVID-19 ASEAN response fund, at pagpapalawak ng kooperasyon hinggil sa bakuna laban COVID-19.

 

Sang-ayon din silang pasulungin ang China-ASEAN Free Trade Agreement at batay rito, gagalugarin ang mas malawak na larangang maaaring magbukas sa isa’t-isa at makalikha ng mas maraming oportunidad ng kooperasyon na gaya ng digital economy.

 

Ipinagdiinan din nila ang pangangailangan sa kooperasyong magpapasulong sa konektibidad ng mga supply chain sa rehiyon, sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga economic corridor, at mga parkeng pangkabuhayan, pangkalakalan, at industriyal.

 

Sa isang hiwalay na magkasanib na pahayag, napagpasiyahan ng Tsina’t ASEAN na palawakin ang kooperasyon sa berde at sustenableng pag-unlad sa rehiyon.

 

Magkasamang pinanguluhan nina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN ang katatapos na summit. 

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio 

Please select the login method