Ang Beijing ang magsisilbing una at tanging pagdarausan ng dalawang Olimpiyada sa kasaysayan ng modernong Olimpiyada ng sangkatauhan.
Sa pinakamalaking digri, ihahandog ng mga pagdarausan ng 2022 Beijing Winter Olympics ang mga inobatibong pamanang iniwan ng 2008 Beijing Olympic Games.
Magkahiwalay na gaganapin ang mga paligsahan ng Beijing Winter Olympics sa Beijing at Zhangjiakou.
Big Air Shougang
Sa Beijing, mayroong 8 venue na kinabibilangan ng Capital Indoor Stadium, National Speed Skating Oval, National Indoor Stadium, Wukesong Sports Center, National Swimming Center, Big Air Shougang, National Alpine Ski Centre at National Sleigh Center sa Yanqing ng Beijing.
Yunding Ski Park
Sa Zhangjiakou, mayroong 4 na venue na kinabibilangan ng Yunding Ski Park, National Ski Jumping Center, National Cross Country Skiing Center, at National Winter biathlon Center.
National Indoor Stadium
Samantala, ang National Indoor Stadium sa Beijing ay isa sa 3 pangunahing venue na ginamit noong 2008 Beijing Olympic Games.
Dito gaganapin ang mga kaukulang paligsahan sa 2022 Beijing Winter Olympics at Paralympics.
Dahil dito, ang naturang istadyum ay tunay na magiging venue na magtataguyod ng 2 Olimpiyada.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Beijing 2022 Winter Olympics: Gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, handa na
Medalya para sa Beijing Winter Olympics at Paralympics, inisyu
Beijing 2022 Winter Olympics: Pagkain, maihahatid sa loob ng 2 oras
Olympic village ng 2022 Beijing Winter Olympic Games, sisimulang isaoperasyon sa Enero 27