Beijing 2022 Winter Olympics: Gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, handa na

2021-10-27 16:20:32  CMG
Share with:

Ngayong araw, Oktubre 27, 2021 ay 100 araw na countdown para sa pagbubukas ng Beijing 2022 Winter Olympic Games.
 

Kaugnay nito, inilabas nitong Lunes Oktubre 25, 2021 ng Komiteng Tagapag-organisa ng Beijing Olympic at Paralympic Winter Games ang COVID-19 playbook para sa gaganaping Olimpiyada.

Beijing 2022 Winter Olympics: Gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, handa na_fororder_20211027Olimpiyada1

May dalawang uri ang playbook. – Isa ay para sa mga atleta at pinuno ng mga koponan, at ang isa pa ay para sa ibang mga kalahok sa Olimpiyada na gaya ng brodkaster, pederasyong internasyonal, marketing partners, kapamilya ng mga atletang kalahok sa Olympic and Paralympic, press at iba pang may kinalamang tao.

Beijing 2022 Winter Olympics: Gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, handa na_fororder_20211027Olimpiyada2

Ayon sa tadhana ng playbook, liban sa mga espesyal na kondisyon, dapat matapos ng lahat ng mga kasali sa Olimpiyada ang buong proseso ng pagbabakuna kontra COVID-19, 14 araw bago pumasok sa Tsina.

Beijing 2022 Winter Olympics: Gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, handa na_fororder_20211027Olimpiyada3

Para sa mga tauhang di pa natapos ang buong proseso ng pagbabakuna, kailangang tanggapin nila ang 21-araw na kuwarentenas pagkaraang dumating ng Beijing.
 

Di kukulangin sa 14 na araw bago magsadya sa Beijing, kailangang i-download ng mga kaibigan sa ibayong dagat ang application na “My 2022,” para magsuperbisa at mag-upload ng sariling kondisyong pangkalusugan araw-araw.

Beijing 2022 Winter Olympics: Gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, handa na_fororder_20211027Olimpiyada4

Hindi pinal na edisyon ang nasabing playbook, at i-a-update ito sa Disyembre.

Beijing 2022 Winter Olympics: Gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, handa na_fororder_20211027Olimpiyada5

Sa ilalim ng patnubay ng playbook at magkasamang pagsisigasig ng lahat ng mga kasali, magsisilbing simple, ligtas at makulay ang gaganaping Beijing Olympic at Paralympic Winter Games.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method