Ngayong araw, Oktubre 27, 2021 ang 100 araw na countdown para sa pagbubukas ng 2022 Winter Olympic Games.
Sa aktibidad kaugnay ng okasyong ito, pormal na ini-isyu kagabi ng Beijing Organizing Committee ang mga medalya para sa Beijing Winter Olympics at Paralympics na pinangalanang “Tongxin.”
Sa wikang Tsino, ang “Tongxin” ay nangangahulugang magkaisa ng puso.
Itinatampok ng mga medalya ang limang concentric rings, at ang mga ito ay simbolo ng pagtitipun-tipon ng mga mamamayan ng daigdig, sa pamamagitan ng diwa ng Olimpiyada.
Sa kanyang video message, binigyan ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), ng lubos na papuri ang progreso ng gawaing preparatoryo ng Beijing Winter Olympics at Paralympics.
Aniya, ang Beijing ay kauna-unahang lunsod na tagapagtaguyod ng dalawang Olimpiyada sa kasaysayan, at ito ay may katuturang historikal para sa palakasan ng Olimpiyada at winter sports.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Ban Ki-moon: Beijing Winter Olympics, tiyak na magtatagumpay
Tsina, may kompiyansang itataguyod ang isang simple, ligtas at kamangha-manghang Olimpiyada
Beijing Summer at Winter Olympics venues, magkakaroon ng subok na paligsahan
Unang pandaigdigang subok na paligsahan para sa Beijing Winter Olympics, binuksan