CMG Komentaryo: Pagdaan sa aktuwal na aksyon, susi para sa pagharap ng G20 sa mga hamon

2021-11-02 12:07:46  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo sa Ika-16 na Summit ng Group of 20 (G20) sa pamamagitan ng video link nitong Linggo, Oktubre 31, 2021, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na walang tigil na lumalakas ang mithiin at lakas-panulak ng komunidad ng daigdig sa magkasamang pagharap sa mga hamon, at ang susi nito ay pagdaan sa aktuwal na aksyon.
 

Kaugnay ng pagharap sa hamon ng pagbabago ng klima at enerhiya, iniharap ni Xi ang tatlong mungkahi: pagsasagawa ng komprehensibo’t balanseng patakaran at hakbangin, komprehensibo’t mabisang pagpapatupad ng United Nations Framework Convention on Climate Change at Paris Agreement, at pag-iibayo ng suportang pinansyal sa mga umuunlad na bansa.
 

Laging umaaksyon ang Tsina upang harapin ang pagbabago ng klima.
 

Inilabas kamakailan ng Tsina ang white paper hinggil sa mga patakaran at aksyon ng bansa sa pagharap sa pagbabago ng klima, kung saan detalyadong inilahad ang natamong progreso at bunga ng Tsina sa aspektong ito.

CMG Komentaryo: Pagdaan sa aktuwal na aksyon, susi para sa pagharap ng G20 sa mga hamon_fororder_20211102komentaryo

Sa katatapos na G20 Summit, inulit ng panig Tsino na masigasig na isasakatuparan ang target sa pagdating sa peak value ng pagbuga ng karbon bago ang taong 2030, at isasakatuparan din ang pagiging carbon neutral bago ang taong 2060.
 

Nangangahulugan itong bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, matatapos ng Tsina ang pinakamalaking pagpapababa ng pagbuga ng karbon sa loob ng pinakamaikling panahon.
 

Ang mga mungkahi at konkretong hakbanging iniharap ng panig Tsino sa G20 Summit sa Roma ay malaking makakapagpasulong sa pagtitipun-tipon ng G20 ng komong palagay, pagpapalakas ng aksyon, at pagpapatingkad ng mas malaking papel, sa aspekto ng magkasamang pananaig sa mga komong hamon at pagpapasulong sa komong kaunlaran.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method