Sa pamamagitan ng video link, dumalo at bumigkas ng talumpati Oktubre 30 at 31, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-16 na Summit ng Group of 20 (G20).
Kaugnay nito, inihayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ito ay mahalagang aksyong diplomatiko na malalimang karugtong ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan, at may-kaugnayan sa pagpapasulong ng pagkumpleto ng pandaigdigang pangangasiwang ekonomiko.
Aniya, sa masusing panahon sa kasaysayang ng sangkatauhan, inimungkahi ni Xi ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauan, at batay sa misyon at responsibilidad ng G20, sistematiko niyang iniharap ang tumpak na direksyon ng magkakasamang paglaban ng komunidad ng daigdig sa pandemiya, pagsasagawa ng hakbangin tungo sa muling pagpapasigla ng kabuhayang pandaigdig, at pangmalayuang plano sa pagkumpleto ng global governance.
Lahat ito aniya ay nakapagpatingkad ng lakas-panulak para sa pagsasakatuparan ng inklusibo’t sustenableng pag-unlad ng buong mundo, at nagpapakita ng pangmalayuang pananaw at pananagutan ng lider ng isang malaking bansa.
Diin ni Wang, igigiit ng panig Tsino ang pagbubukas, pagbibigayan, kooperasyon at mutuwal na kapakinabangan, at ipapatupad ang tunay na multilateralismo.
Samantala, malaliman aniyang makikisangkot ang Tsina sa kooperasyon ng G20; gagawa ng bagong ambag para sa pandaigdigang pagsisigasig laban sa pandemiya; isusulong ang pagbangon at paglago ng kabuhayang pandaigdig, at pagkumpleto ng global economic governance; at walang-sawang magpupunyagi para sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio