Idinaos kahapon, Nobyembre 1, 2021 sa Shanghai ang Ika-4 na World Laureates Forum na nilahukan ng mahigit 130 pinakamagaling na mga siyentista sa buong mundo na kinabibilangan ng 68 ginawaran ng gantimpalang Nobel.
Sa 3 araw na porum, tatalakayin ng mga siyentista ang hinggil sa kemika, pisika, agham ng buhay, matematika na napapailalim sa 14 na seksyon ng halos 100 pulong.
Sa seremonya ng pagdaraos, sa ngalan ng mga Nobel awardees, nanawagan si Michael Levitt, 2013 Nobel Laureate ng kemika at vice chairman ng World Laureates Association (WLA) na itatag ang isang bukas na siyensya at naghihimok para sa mga aksyong sumusuporta sa bukas na siyensya.
Bukod dito, ipinatalastas din ng tagapag-organisa na itatatag ang WLA Prize na pormal na sisimulan sa taong 2022. Susuportahan nito ang mga siyentista na nagsisikap para sa komong kapakanan ng buong sangkatauhan, at puwedeng makuha ang dalawang gantimpalang nagkakahalaga ng 10 milyong yuan RMB o 1.56 milyong USD.
Salin: Sissi
Pulido: Mac
Pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya sa mataas na lebel, dapat pabilisin – Xi Jinping
Xi Jinping, nanawagan para palakasin ang kakayahan ng Tsina sa siyensiya at teknolohiya
Pangulo ng Tsina, pinahahalagahan ang pag-unlad sa siyensiya at teknolohiya
Tsina, mas magiging bukas sa pandaigdigang kooperasyon sa siyensiya at teknolohiya