Pangulong Tsino, nanawagang isagawa ang mas malakas na aksyon para magkakasamang harapin ang hamon ng klima

2021-11-02 11:57:30  CMG
Share with:

Sa kanyang nakasulat na talumpati sa Ika-26 na Sesyon ng Conference of the Parties (COP26) ng United Nations Framework Convention on Climate Change kahapon, Nobyembre 1, 2021, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na mas kapansin-pansin ngayon ang di-paborableng epekto ng pagbabago ng klima, at kinakailangan ang agarang pagkilos ng buong mundo.
 

Aniya, kung papaanong haharapin ang pagbabago ng klima, at pasusulungin ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig ay paksa ng panahon na kinakaharap ng lahat.
 

Iniharap ni Xi ang sumusunod na tatlong mungkahi:
 

Una, pangalagaan ng komong palagay ng multilateralismo.
 

Ipinagdiinan niya ang kahalagahan ng UN Framework Convention on Climate Change at Paris Agreement. Aniya, batay sa mga umiiral na komong palagay, dapat palakasin ng iba’t ibang panig ang pagtitiwalaan, at pahigpitin ang kooperasyon, upang maigarantiya ang tagumpay ng COP26.
 

Ika-2, pag-ukulan ng pokus ang pragmatikong aksyon.
 

Aniya, magiging katotohanan ang ekspektasyon, sa pamamagitan ng aksyon. Dapat ipatupad ng iba’t ibang panig ang pangako, itakda ang maisasagawang target at ekspektasyon, at pasulungin ang pagpapatupad ng mga hakbangin sa pagharap sa pagbabago ng klima, batay sa sariling kalagayan.
 

Dagdag niya, dapat mas mainam na ipagkaloob ng mga maunlad na bansa ang suporta sa mga umuunlad na bansa.
 

At ika-3, pabilisin ang green transition.
 

Saad ni Xi, dapat gawing lakas-panulak ang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, pasulungin ang transisyon at pag-a-upgrade ng enerhiya, yaman, estruktura ng industriya, at estruktura ng konsumo, at pasulungin ang berdeng pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan.
 

Pananabik ng Tsina na palalakasin ng iba’t ibang panig ang aksyon, magkakapit-bisig na harapin ang hamon ng pagbabago ng klima, at magkakasamang pangalagaan ang tahanan ng sangkatauhan, dagdag ni Xi.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method