Australia, kailangang tapat na harapin ang pagkabahala ng daigdig hinggil sa kasunduan ng submarinong nuklear

2021-11-03 12:22:09  CMG
Share with:

Muling hiniling ng Tsina sa Australia na magbigay ng matapat na sagot sa mga tanong mula sa Pransya, kaugnay ng kooperasyon nito sa submarinong nuklear sa Estados Unidos at Britanya. Kailangan ding harapin ng Australia ang pagkabahala hinggil dito ng komunidad ng daigdig.

 

Winika ito ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon, Martes, Nobyembre 2, 2021, bilang tugon sa may kinalamang reaksyon ni Pangulong Emmanuel Macron.

 

Sa kanyang panayam sa media ng Australia sa sidelines ng katatapos na G20 Summit sa Roma, Italya, sinabi ni Macron na nagsinungaling si Punong Ministro Scott Morrison ng Australia hinggil sa kasunduan ng submarinong nuklear.

 

Hiniling din ng tagapagsalitang Tsino sa administrasyon ni Morrison na buong-tatag na tupdin ang obligasyon nito sa di-pagpapalaganap ng mga sandatang nuklear.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method