Bilateral at multilateral na mga isyu, tinalakay ng mga FM ng Tsina at Indonesya

2021-10-30 17:00:35  CMG
Share with:

Bilateral at multilateral na mga isyu, tinalakay ng mga FM ng Tsina at Indonesya_fororder_8e20c2226e1b47e799824a3a53a71929

Nagtagpo kahapon, Oktubre 29, 2021, sa Rome, Italya, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Retno Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesya.

 

Ipinahayag nila ang kahandaan ng dalawang bansa na patuloy na magtulungan sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at pasulungin ang pagtamo ng mas malaking bunga ng relasyon at kooperasyong Sino-Indones.

 

Kaugnay ng kooperasyon ng Group of 20 (G20), umaasa ang dalawang opisyal na pag-iibayuhin ng organisasyong ito ang pagsisikap para pangalagaan ang komong kapakanan ng mga bagong-sibol na ekonomiya at umuunlad na bansa.

 

Pagdating sa kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinahayag ng dalawang opisyal na dapat palakasin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at pasulungin ang mas de-kalidad na relasyon ng dalawang panig sa mas mataas na antas.

 

Ipinahayag naman nina Wang at Retno ang lubos na pagkabahala sa panganib ng nuclear proliferation na dulot ng kasunduan ng Australya, Britanya, at Amerika, para sa kooperasyon sa aspekto ng nuclear-powered submarine.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method