Isinalaysay Huwebes ng umaga, Marso 25, 2021 ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na aprobado na ng Tsina ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at aktibong pinapasulong ang pagkakaroon nito ng bisa.
Aniya, ipinakikita nito ang lubos na pagpapahalaga at pagsuporta ng pamahalaang Tsino sa pagkakabisa ng kasunduan sa lalong madaling panahon.
Diin ni Wang, handang-handa na ang Tsina para komprehensibong ipatupad ang mga obligasyong itinakda alinsunod sa RCEP, makaraan itong magkabisa.
Samantala, aktibo rin aniyang pinapasulong ng bansa ang pagpapalakas ng kakayahang kompetetibo ng mga lokal na industriya at kompanya, upang mas mainam na masamantala ang mga pagkakataong dulot ng RCEP.
Dagdag ni Wang, ang mga narating na kasunduan at pangako sa pagbubukas ng RCEP sa larangan ng kalakalang panserbisyo ay makakapagpasulong sa napakalinaw na paglago ng kalakalan sa larangang ito.
Salin: Vera
Pulido: Rhio