Beijing 2022 Winter Olympics, magkakaloob ng magandang alala sa lahat

2021-11-04 12:18:54  CMG
Share with:

Ipinahayag ng Tsina ang kahandaan upang buong sikap na itaguyod ang  Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics para magdulot ng maganang alaala para sa lahat, at magbigay ng bagong ambag para sa pagpapakilala at pagpapalaganap ng mga larong pantaglamig at pandaigdig na usaping Olympik.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo

Ang mascot ng Beijing 2022 Olympic Winter Games na si Bing Dwen Dwen (kaliwa), isang animated giant panda, kasama ng mascot ng Beijing 2022 Paralympic Winter Games na si Shuey Rhon Rhon (kanan), isang animated red lantern.

 

Winika ito ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon, Miyerkules, Nobyembre 3, 2021, bilang pasasalamat sa pagpapala at pagkatig ng International Olympic Committee (IOC) at iba pang mga panig sa pagtataguyod  ng Tsina sa Winter Olympics.

 

Sinipi kamakailan ng IOC sa website nito ang suporta mula sa G20 Rome Leaders' Declaration para sa nalalapit na palarong Olympik sa Beijing.

 

Pinasalamatan ni Thomas Bach, Presidente ng IOC ang mga lider ng G20 sa kanilang pagkatig.    

 

Patuloy na susundin ng Tsina ang ideya ng pagiging berde, inklusibo, bukas at malinis para makiisa sa IOC at iba pang mga bansa sa pagdaraos ng Beijing 2022 Winter Olympics at pagpapamalas ng diwa ng Olympik na “sama-sama o together,” dagdag pa ni Wang.

 

Idaraos ang Beijing Winter Olympics mula Pebrero 4 hanggang Pebrero 20, 2022.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo

Ang National Ski Jumping Center ay nasa Distrito ng Chongli, Lunsod Zhangjiakou, Lalawigang Hebei sa dakong hilaga ng Tsina. Bukod sa Beijing, ang Zhangjiakou ay isa pang host city ng gaganaping Beijing Winter Olympics.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method