Ipinahayag kahapon ni Tan Kefei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang mga aktibidad ng biological militarization ng Amerika ay kulang sa transparency at makakapinsala sa kaligtasang panrehiyon.
Winika ito ni Tan bilang komento sa isang magkasanib ng pahayag hinggil sa Convention on the Prohibition of Biological Weapons na ipinalabas kamakailan ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Rusya.
Sinabi ni Tan, Nitong 20 taong nakalipas, itinayo ng Amerika ang mahigit 200 biological laboratories sa labas ng bansa. Hadlang ito sa pagpapatupad ng talastasan ng Convention on the Prohibition of Biological Weapons at pagpapatatag ng mekanismo ng pagsisiyasat na nakatawag ng malaking pagkabahala ng komunidad ng daigdig.
Ang biomilitarization ay isang masusing isyung kaugnay ng kapayapaan at kaligtasan ng buong daigdig. Hinimok ni Tan ang panig Amerikano na maging bukas, transparent at responsable, taos-pusong tumugonn sa pag-aalala ng iba’t ibang panig at mag-bigay ng malinaw na paliwanag hinggil sa kanilang mga aktibidad ng biomilitarization sa labas ng bansa.
Salin: Sissi
Pulido: Mac