Global Development Initiative na iniharap ng panig Tsino, bukas sa buong mundo

2021-11-09 11:55:07  CMG
Share with:

Inihayag kahapon, Nobyembre 8, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na bukas sa buong mundo ang Global Development Initiative na iniharap ng panig Tsino, at winewelkam ang magkasamang pagsali rito ng buong mundo.
 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng ibang mga bansa, na igiit ang ideya ng may magkakasamang pagtalakay, pagtatatag at pagbabahaginan, ipatupad ang tunay na multilateralismo, at gawin ang walang sawang pagsisikap at bagong ambag, para sa pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN), at pagpapasulong sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Sinabi kamakailan ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng UN na ang Global Development Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay may mahalagang positibong katuturan para sa pagpapasulong sa patas, balanse at sustenableng pag-unlad ng buong mundo.
 

Aniya, lubos na sinusuportahan ng UN ang nasabing inisyatibo, at nakahandang palakasin ang kooperasyon sa Tsina tungkol dito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method