Sa kapipinid na Central Economic Work Conference ng Tsina, napagkasunduang dapat pabutihin ang unang hakbang ng pagbuo ng bagong kayariang pangkaunlaran sa susunod na taon.
Bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig at siyang tanging pangunahing ekonomiya na nagsakatuparan ng paglago ng kabuhayan sa kasalukuyang taon, ang pagbuo ng bagong kayariang pangkaunlaran ng Tsina ay magkakaloob ng mas malawak na pamilihan at mas maraming pagkakataong pangkaunlaran sa iba’t ibang bansa.
Hinggil dito, ipinahayag ni Yu Hong, Senior Researcher ng East Asian Institute ng National University of Singapore, na ang komprehensibong pagpapasulong sa reporma at pagbubukas ng Tsina ay makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at makakapagpatingkad din ng ambag para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera