Ipinahayag kamakailan ni Daren Tang, Direktor Heneral ng World Intellectual Property Organization (WIPO), na napakahalaga ang natamong bunga ng Tsina sa pangangalaga at pagsasakomersyo ng karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR).
Kaugnay nito, sinabi nitong Martes, Nobyembre 9, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na palagiang lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang usapin ng IPR, at kasabay ng pagtatatag ng malakas na bansa sa usaping ito, aktibong sumasali ang Tsina sa global governance sa IPR.
Isinalaysay pa niyang inilabas kamakailan ng pamahalaang Tsino ang pambansang plano sa proteksyon at aplikasyon ng IPR, sa panahon ng ika-14 na panlimahang taong plano (2021-2025).
Ibayo pa aniyang pasusulungin ng Tsina ang pagbubukas sa labas ng IPR sa mas malaking saklaw, mas malawak na larangan at mas malalimang antas.
Walang humpay ding patataasin ang lebel ng kooperasyong pandaigdig sa iba’t-ibang panig na kinabibilangan ng WIPO, para gawin ang mas malaking ambag sa balanse, inklusibo, at sustenableng pag-unlad ng IPR ng buong mundo, dagdag ni Wang.
Salin: Vera
Pulido: Rhio