Tsina, nangunguna sa daigdig sa aspekto ng PCT international patent application

2021-04-27 14:05:06  CMG
Share with:

Kahapon, Abril 26, 2021 ay ika-21 World Intellectual Property Day.
 

Ayon sa ulat na inilabas ng World Intellectual Property Organization (WIPO) noong 2020, nanguna sa buong mundo ang kabuuang bilang ng mga aplikasyon ng international patent ng Tsina, sa pamamagitan ng Patent Cooperation Treaty (PCT), at ito ay lumaki ng 16.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga mahigpit na hakbangin sa pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR), nalikha ng bansa ang mainam na kapaligirang pangnegosyo, bagay na mabisang nakahikayat sa mga kompanyang may puhunang dayuhan.
 

Noong 2020, 23,000 aplikasyon sa invention patent ang ini-aplay sa Tsina ng mga kaukulang bansa sa kahabaan ng Belt and Road Initiative at ito ay lumaki ng 3.9%.
 

Salin: Vera
 

Rhio: Rhio

Please select the login method