Sa panayam kamakailan sa magasing “Courier” ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), ipinahayag ni Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina at Espesyal na Sugo ng UNESCO, na ang pagpawi sa karalitaan at pagsasakatuparan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian ay komong hangarin ng buong sangkatauhan, at komong mithiin ng mga kababaihan sa buong daigdig.
Ani Peng, pagkaraan ng walang patid na pagsisikap, naisakatuparan ng Tsina ang pagpuksa sa ganap na karalitaan, at mahalagang papel ang ginampanan ng edukasyon sa usaping ito.
Dapat aniyang mas matatag na palakasin ng daigdig ang determinasyon sa pagpapasulong ng edukasyon ng mga batang babae at kababaihan para magkaroon sila ng mas mabuting kaalaman at makapagbigay ng ambag sa pagsasakatuparan ng United Nations (UN) 2030 Sustainable Development Goals.
Salin: Lito
Pulido: Rhio