Kasal nang mahigit 30 taon sina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina. Ang kanilang kuwento ng pag-iibig ay isang nakakawiling paksa sa araw na ito na Double Seventh Festival o kilala rin bilang Araw ng mga Puso ng Tsina.
Nagpakasal sina Xi at Peng noong 1987 sa Xiamen, lunsod ng lalawigang Fujian sa timog silangan ng Tsina. Sa simula ng kanilang pag-aasawa, nagtrabaho si Xi sa mga lokal na pamahalaan sa Fujian, at nagtrabaho naman si Peng sa isang grupong pansining sa Beijing. Kaya, matagal silang magkahiwalay na nakatira sa dalawang lugar. Pero, hindi nito naapektuhan ang pag-iibigan ng mag-asawa. Ayon kay Xi, tuwing gabi, tinatawagan niya sa telepono ang asawa. Madalas namang bumibisita si Peng kay Xi sa Fujian, at ipinagluluto ang mister.
Sa kasalukuyang tanggapan ni Xi, nakalagay ang maraming larawan ng mag-asawa. Halimbawa, litrato nila habang namamasyal sa Yuanmingyuan o Old Summer Palace sa Beijing, at kasama ng mag-asawa ang buong pamilya, ang ina ni Xi, at ang kanilang anak na babae. Mayroon pang isang solong litrato ni Peng noong kabataan niya.
Madalas ding kasama ni Peng si Xi sa pagbisita sa loob at labas ng bansa. Sa isang okasyon sa Indya, magkatabing nagduduyan ang mag-asawa. Ang tagpong ito ay kinunan ng cameraman, at naging popular na larawan hanggang sa kasalukuyan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos