Bilang espesyal na sugo ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) para sa pagpapasulong ng edukasyon sa mga batang babae at kababaihan, lumahok kahapon, Oktubre 15, 2021, si First Lady Peng Liyuan ng Tsina, sa pamamagitan ng video link, sa Award Ceremony ng 2021 UNESCO Prize for Girls' and Women's Education.
Ipinahayag ni Peng ang pagbati sa mga nakatanggap ng naturang gantimpala mula sa Brazil at Mozambique.
Aniya, sapul nang itakda noong 2015 ng Tsina at UNESCO ang gantimpala, dinudulot nito ang positibong epekto sa usapin ng edukasyon sa mga batang babae at kababaihan, na nakakatulong upang makuha nila ang mga kaalaman at kasanayan, para magkaroon ng kakayahan at kompiyansa sa pagbabago ng sariling kapalaran at pagtupad ng mga pangarap.
Sinabi rin ni Peng, na patuloy na sinusuportahan ng Tsina ang naturang gantimpala, para magbigay ng bagong sigla sa usapin ng edukasyon sa mga batang babae at kababaihan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos