Isang mensaheng pambati ang ipinadala ni Peng Liyuan, Unang Ginang Tsina kaugnay ng pagbubukas kahapon, Oktubre 26, 2021 ng Tianjin Juilliard School (TJS).
Sa mensahe, sinabi ni Peng na salamat sa pagsisikap ng mga may kinalamang panig ng Tsina at Amerika, naisagawa ng Tianjin Conservatory Of Music at Juilliard School ng Amerika ang de-kalidad na kooperasyong pang-edukasyon at naitatag ang isang bagong plataporma ng pagpapalitan ng kultura.
Ang sining aniya ay tulay na nag-uugnay sa iba’t-ibang bansa at puso ng mga mamamayan, at umaasa si Peng na mapapalawak ng dalawang bansa ang mas maraming pagpapalagayan at mapapasulong ang pag-uunawaan.
Salin: Sissi
Pulido: Rhio
Limang dekada sa UN: Tsina, pinapasulong ang kaunlaran ng daigdig at karapatang pantao
Limang Dekada sa UN: Pag-unlad ng Tsina, bagong pagkakataon ng daigdig
Premiyer Tsino, dadalo sa serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya
Tsina, umaasang itatatag ang modernong Afghanistan na angkop sa mithiin ng mga mamamayan