Pangulong Tsino, nagpadala ng liham na pambati sa China-Africa People's Forum

2021-11-16 11:35:15  CMG
Share with:

Ginanap nitong Lunes, Nobyembre 15, 2021 sa Beijing ang China-Africa People's Forum.
 

Sa kanyang liham na pambati sa porum, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nasa panahon ng malaking pag-unlad at malaking pagbabago ang kasalukuyang daigdig. Sa harap ng bagong pagkakataon at hamon, kailangang lalo pang igiit at palaganapin ng Tsina at Aprika ang common values ng buong sangkatauhan katulad ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay, katarungan, demokrasya at kalayaan.
 

Umaasa aniya siyang magkasamang magpupunyagi ang panig Tsino’t Aprikano, para gawing tulay ng pagpapalakas ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina at Aprika, at modelo ng pagpapatupad ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika ang nasabing porum, at likhain ang bagong kayarian ng mapagkaibigang kooperasyong di-pampamahalaan ng kapuwa panig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method