900 bilyong yuan, puhunang dayuhang pumasok sa Tsina sa unang 10 buwan ng 2021

2021-11-16 12:16:19  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang ipinalabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, nitong unang 10 buwan ng taong 2021, umabot sa 943.15 bilyong yuan o 147.4 bilyong USD ang mga puhunang dayuhang ginamit ng Tsina na lumaki nang 17.8% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
 

Samantala, ibayo pang bumubuti ang estrukturang kapital, pawang lumampas sa 20% ang mga puhunang inilaan sa industriya ng serbisyo at hi-tek. At ang mga pondo mula sa bansa sa kahabaan ng Belt and Road at mga bansang ASEAN ay lumaki nang 30.7% at 29.5%.
 

Nananatiling opitimistiko ang mga kompanyang dayuhan sa pamilihang Tsina, ayon sa isang poll ng European Union Chamber of Commerce in China at American Chamber of Commerce in China, mahigit 60% sa kanila ay may planong dagdagan ang puhunan sa Tsina. At sa katatapos na China International Import Expo o CIIE, naging bagong rekord ang bilang ng mga kalahok na tagapagtanghal ng Amerika.
 

Salin: Sissi

Pulido: Mac

Please select the login method