Tapat, konstruktibo ang naging pag-uusap nina Xi at Biden: Tagapagsalitang Tsino

2021-11-17 11:04:10  CMG
Share with:

Tatlong prinsipyo, apat na priyoridad para sa ugnayang Sino-Amerikano, iniharap ni Xi

 

Naging tapat, konstruktibo, substantibo at mabunga ang katatapos na virtual meeting nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika.

 

Ito ang inilahad ni Zhao Lijian, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Martes, Nobyembre 16, 2021.

 

Ani Zhao, sa loob ng tatlo at kalahating oras na pag-uusap mula alas 8:45 hanggang 12:25, Martes, Nobyembre 16, nagpalitan ang magkabilang panig ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung may estratehiko, panlahat at pundamental na katuturan sa relasyong Sino-Amerikano, mga sariling agenda ng pag-unlad, at mga isyung pandaigdig at panrehiyon na kapuwa binibigyan ng pagpapahalaga.  

 

Maaaring lagumin ang pangunahing nilalaman ng pag-uusap bilang“1234,” dagdag pa ni Zhao.

 

Paliwag niya, ang “1” ay tumutukoy sa isang mahalagang isyu - ang isyu ng Taiwan, bilang pinakamahalaga at pinakasensitibong isyu sa realasyong Sino-Amerikano.

 

Ang “2” ay dalawang pagkakasundong makatwiran o principled consensuses na narating ng dalawang pangulo. Ang una ay ang kahalagahan ng relasyon ng Tsina’t Amerika, ibig sabihin, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang makabuluhan sa dalawang bansa kundi sa daigdig. Ang pangalawa ay pagtutol sa “bagong Cold War.”

 

Ang “3” ay tatlong prinsipyo na iminungkahi ni Xi na talimahin ng dalawang bansa sa bagong panahon. Kabilang dito ang paggagalangan sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan, at pagpapasulong ng win-win na kooperasyon.

 

Ang “4” naman ay sumasaklaw sa apat na priyoridad para itampok ang pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano na iminungkahi ni Xi. Una, kailangang tupdin ang obligasyon bilang malalaking bansa at manguna sa pandaigdig na kooperasyon bilang tugon sa mga namumukod na hamon. Pangalawa, pasulungin ang pagpapalitan sa iba’t ibang lebel at iba’ t ibang larangan, batay sa pagkakapantay at mutuwal na kapakinabangan. Pangatlo, kontrolin at pangasiwaan ang alitan at sensitibong isyu, sa pamamagitan ng paraang konstruktibo para iwasan ang paglihis at kawalan ng kontrol ng relasyong Sino-Amerikano. Pang-apat, palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa mga pangunahin at maiinit na isyung pandaigdig at panrehiyon.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method