Sa ika-60 news briefing ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang na idinaos sa Beijing Miyerkules, Nobyembre 17, 2021, tinukoy ni Xu Guixiang, tagapagsalita ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, na layon ng pakikibaka ng Tsina laban sa terorismo sa Xinjiang na pangalagaan ang mga mamamayan ng iba’t-ibang nasyonalidad mula sa terorismo sa lugar na ito.
Saad pa niya, sa likod ng paglaban ng Amerika sa terorismo ay magpalingkod para sa kapakanang pulitikal nito at hanapin ang hegemonya nito.
Tinukoy din ni Elijan Anayat, isa pang tagapagsalita ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, na sanhi ng pagkabigo ng Amerika sa digmaan nito laban sa terorismo nitong 20 taong nakalipas, ay ginamit nito ang “paglaban sa terorismo” bilang kagamitang pulitikal sa halip ng pangangalaga sa mga mamamayan nito.
Salin: Lito
Pulido: Mac