Amerika, walang anumang karapatang magturo sa iba tungkol sa karapatang pantao — Tsina

2021-10-19 10:51:24  CMG
Share with:

Sa kanyang binigkas na talumpati kamakailan, sinabi ni Pangulong Joe Biden ng Amerika na kasalukuyang nagtitiis ang mga Uyghur sa Xinjiang dahil sa opresyon at puwersahang pagtrabaho.

Kaugnay nito, sinabi nitong Lunes, Oktubre 18, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing pananalita ay ganap na kasinungalingan.

Ani Zhao, ang titulong “beacon of democracy” na kusang inako ng Amerika ay matagal nang walang saysay. Wala itong anumang karapatang maging tagapagtanggol at magturo sa kanino man tungkol sa karapatang pantao.

Diin ni Zhao, dapat malalimang pagsisihan ng Amerika ang sarili nitong masamang rekord sa karapatang pantao, hawakan nang maayos ang sariling problema, at itigil ang panghihimasok sa suliraning panloob ng ibang bansa sa katuwiran ng karapatang pantao.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method