CMG Komentaryo: Mga diplomatang Amerikano, walang karapatan sa pagbatikos sa isyu ng Xinjiang

2021-10-20 14:18:12  CMG
Share with:

Kahit walang anumang ipinakikitang ebidensya, paulit-ulit na dinungisan ng ilang opisyal Amerikano ang Tsina sa pagmamagitan ng isyu ng Xinjiang.

 

Sa kanyang talumpati kamakailan sa pasinaya ng Dodd Centre for Human Rights sa University of Connecticut, nilait ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang Tsina sa di-umano’y pagmamalupit at sapilitang pagtatrabaho sa Xinjiang.

 

Ang paninirang-puri ng mga opisyal na Amerikano sa Tsina sa pamamagitan ng isyu ng karapatang pantao ay hindi makakatulong sa Amerika para itatag ang katayuan bilang tagapangalaga moralidad sa daigdig, bagkus dito, inilantad nito ang pagkukunwari at double-standard nito.

 

CMG Komentaryo: Mga diplomatang Amerikano, walang karapatan sa pagbatikos sa isyu ng Xinjiang_fororder_微信图片_20211020144255

 

Ibinunyag kamakailan ang pamamahagi ng bayad sa mga testigo  ng  di-umano’y Uyghur Tribunal. Sa kabuuang 100,700 UK pounds na kabayaran, ang 43,000 UK pounds ang napunta sa saksi na itinago sa apelyidong Wang.

 

Muli nitong pinatutunayan na ang di-umano’y isyu ng karapatang pantao ng Xinjiang ay pangangatwiran lamang ng iilang tauhang Kanluranin para maniil sa Tsina.

 

Kitang kita naman ang mga paglapastangan ng pamahalaang Amerikano sa karapatang pantao sa loob at labas ng bansa.

 

Nalipol na ang lahi ng katutubong Indian sa Amerika. Kalat na kalat din ang diskriminasyong panlahi sa kasalukuyang lipunang Amerikano. Bunsod ng negatibong pagtugon sa COVID-19, pumalo sa  700,000 ang namatay na Amerikano.

 

Sa pangangatwiran ng isyu ng karapatang pantao, isinadlak ng Amerika ang mga bansang gaya ng Iraq at Afghanistan sa digmaan at kaguluhan. Ayon sa datos, hanggang Abril 2021, mahigit 240,000 katao ang nasawi sa digmaang inilusad ng Amerika sa Afghanistan at kabilang dito higit sa 47,000 ang mga sibilyang Afghan. Isa itong malagim na resultang dulot ng double-standard ng Amerika sa isyu ng karapatang pantao at pakikibaka laban sa terorismo.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method