Ekspektasyon at kompiyansa ng mga banyagang mangangalakal sa pamumuhunan sa Tsina, matatag—Ministri ng Komeryo ng Tsina

2021-11-18 16:48:11  CMG
Share with:

Sinabi ngayong araw, Nobyembre 18, 2021 ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komeryo ng Tsina na pagpasok ng kasalukuyang taon, bahagyang lumaki ang paglago ng puhunang dayuhan na nakuha ng Tsina, at mas maganda ito kaysa inaasahan.
 

Aniya, kung walang pagbabago sa kalagayan, tinatayang maisasakatuparan ang double-digit na paglago ng puhunang dayuhan sa buong taon.
 

Isinalaysay niyang mula noong Enero hanggang Oktubre, umabot sa 943.15 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit sa buong bansa, at ito ay lumaki ng 17.8%.
 

Kabilang dito, 752.52 bilyong yuan RMB ang puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit ng industriya ng serbisyo, na lumaki ng 20.3%.
 

Lumaki ng 23.7% naman ang puhunang dayuhan na ginamit ng industriya ng hay-tek.
 

Tinukoy ni Shu na sa kasalukuyan, nananatiling matatag at tuluy-tuloy ang pagpapanumbalik ng kabuhayang Tsino, at matatag rin ang ekspektasyon at kompiyansa ng mga banyagang mangangalakal para sa pamumuhunan sa Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method