Ibayo pang paluluwagin ng Tsina ang limitasyon sa pagpasok ng puhunang dayuhan sa mga sektor ng batas, tranportasyon, pinansyo, transmisyon ng impormasyon, edukasyon, serbisyong medikal, at iba pa.
Ito ay batay sa plano ng paggamit ng puhunang dayuhan hanggang sa taong 2025, na inilabas kahapon, Oktubre 22, 2021, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina.
Ayon pa rin sa target na nakalakip sa naturang dokumento, hanggang sa taong 2025, aabot sa 700 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng aktuwal na magagamit na puhunang dayuhan ng Tsina, at 30% ng mga ito ay mapupunta sa industriya ng hay-tek.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos