FDI ng Tsina noong unang hati ng 2021, lumaki ng 28.7%

2021-07-15 12:08:27  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Miyerkules, Hulyo 14, 2021 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Hunyo ng taong ito, umabot sa mahigit 607.8 bilyong yuan RMB ang foreign direct investment (FDI) ng Tsina, at ito ay lumaki ng 28.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Kabilang dito, mahigit 482.7 bilyong yuan RMB ang puhunang dayuhan sa industriya ng serbiyo, na lumaki ng 33.4%.
 

Samantala, lumaki ng 39.4% ang puhunang dayuhan sa hay-tek na industriya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method