Paglago ng FDI ng Tsina mula Enero hanggang Hulyo, lumampas sa 25%

2021-08-17 11:43:36  CMG
Share with:

Paglago ng FDI ng Tsina mula Enero hanggang Hulyo, lumampas sa 25%_fororder_20210817FDI

Ayon sa datos na inilabas kahapon, Agosto 16, 2021 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Hulyo ng taong ito, mahigit 672 bilyong yuan RMB ang aktuwal na ginamit na foreign direct investment (FDI) sa Chinese mainland, at ito ay lumaki ng mahigit 25% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang ito.
 

Sa kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang Tsina ay nananatili pa ring pinipiling destinasyon ng puhunang dayuhan, dahil sa matatag na kapaligiran ng pamilihan.
 

Noong unang 7 buwan, mahigit 535 bilyong yuan RMB ang puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit ng industriya ng serbisyo ng Tsina, at ito ay lumaki ng 29.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Pawang lumampas sa 46% ang paglago ng direktang pamumuhunan mula sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method