Tsina at Pilipinas, tuloy ang komunikasyon tungkol sa isyu ng Ren’ai Reef

2021-11-19 12:13:56  CMG
Share with:

Sinabi kamakailan ni Kalihim Teodoro Locsin Jr. ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na hinarang ng tatlong coast guard vessels ng Tsina at binugahan ng water cannons ang dalawang bapor ng Pilipinas na magdadala ng suplay sa mga sundalo sa isang military outpost sa South China Sea.
 

Kaugnay nito, sinabi nitong Huwebes, Nobyembre 18, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na noong gabi ng Nobyembre 16, pumasok nang walang pahintulot ang naturang dalawang bapor Pilipino sa rehiyong pandagat sa paligid ng Ren’ai Reef ng Nansha Islands ng Tsina. Ipinatupad ng mga coast guard vessels ang sariling tungkulin alinsunod sa batas Tsino, at ipinatanggol ang soberanyang teritoryal at kaayusang pandagat.
 

Aniya, sa kasalukuyan, payapa ang rehiyong pandagat sa paligid ng Ren’ai Reef. Kasalukuyang nag-uusap ang Tsina at Pilipinas hinggil sa isyung ito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method